Category Archives: TULA (Poem)

Ang Frisbee

ni Gerald Tigol (New York University)

aid656188-728px-frisbee-step-1

Source: pad3.whstatic.com/images/thumb/2/27/Frisbee-Step-1.jpg/aid656188-728px-Frisbee-Step-1.jpg

Bilog, magaan, at manipis

Mababang-loob, matalino, at maliksi

Lumilipad

Buhay na buhay

Transfermation

ni Alipio

Lahat ng mga transfer ay mahumaling at may mga natatangiang mga karanasan // Trads mahuli ang aming fly at ang aming tagumpay // Clark tawas Melissa, Santa Monica si Heather // Ihalo mo ang asul at ginto gumawa UCLA transfer~

Gusto ko ang aking Veterans at undocumented na estudyante // LGBT at estudyanteng may anak // Iba’t ibang mga karanasan ngunit sila ay hindi kailanman // tumagan ng aking pamilya sa akin // Nakuha ko na ang pagkakaiba sa aking komunidad, pagkakaisa

Makita ko ‘to, gusto ko, sumugpo sa paglaki ko // Panaginip ko ‘to, trabaho, pag-aaral ko hanggang nakuha ko

Okey, okey, transfers, ngayon sabihin makukuha natin ang transfermation // Kasi mag-slay tayo, kasi mag-slay tayo // Patunayan sa kanila nakuha namin ang ilang koordinasyon // Laging manatiling mapagbiyaya, pinakamahusay na paghihiganti ay ang iyong degrees

 

Y’all transfers fancy with unique experiences
Trads, catch our fly, and our constant successes
Clark alum Melissa, Heather Santa Monica
You mix that blue with that gold make UCLA transfa~s!

I like my Veterans and undocu-students
LGBT and students with dependents
Different backgrounds but they never take my family out me
I got that diversity in my community, unity

I see it, I want it, I stunt, I all-night it
I dream it, I work hard, I study ‘til I own it

Okay, okay, transfers, now let’s get transfermation
Cause we slay, cause we slay
Prove to them we got some coordination
Always stay gracious, best revenge is your degrees

Balang Araw

ni: Roxanne Gregorio

 

Sana balang araw iyong mapansin

Mga sulyap sa iyong matang kaakit-akit

Nararamdaman ko’y sana’y iihip sa iyo ng hangin

At sana’y makarating sa iyo ng walang sabit

 

Ano ba naman ‘yan

Sa iba ka na naman nakatingin ng hindi mo namamalayan

Napapansin na nga rin ito ng buong sambayanan

Nakakainggit ng aang inyong walang humpay na tawanan

 

Pero ang nararamdaman ko pa rin ay kasing tibay ng kawayan

At dadalhin ko ito hanggang sa aking himlayan

Unang Tingin

ni: Roxanne Gregorio

 

Ang mukha mo’y nakakasilaw

Dahil unang tingin pa lang ika’y mapapahiyaw

Sa iyong pusturang laki sa layaw

Na parang nagmula sa mundong ibabaw

 

Iyong boses pa lang ay lagi ko nang hinahanap-hanap dito,

Iyong kantang laging wala sa tono

Iyong tawa na para bang nanalo sa lotto

Ingay na tilang nagmimistulang musika sa aking tenga’y pumapalo

 

Tanggap kita kahit ano o sino ka man

Hahanapin kita kahit saan

Hihintaying kita hanggang sa dulo ng walang hanggan

Dahil ang buhay ko’y sa iyo lang ilalaan

 

Siopa Ak? Sino Ako? Who Am I?

ni Stefanie Matabang

(Editor’s Note: Stefanie has just finished the year-long series of Introductory Filipino at UCLA. She is currently a Ph.D student in Comparative Literature. For the upcoming 2016-2017 school year, Stefanie has won the UCLA Center for Southeast Asian Studies’ Foreign Language and Area Studies (FLAS) fellowship, which is funded by the U.S. Department of Education. Congratulations, Stefanie!

This poem has been written in Ilocano, Tagalog, & English, and presented here in this order.)

Ilocano

Siopa ak?

samay sakey

amay mas melag

Siopa…

Agmo ak kabat.

Agmo ak natandaan.

Nen sinmabi rai Kastila

Binali walak so pagsamba da

Binali walak so kaugalian da

Binali walak so salita da

Siak so masebeg kwanda.

Mapasnok.

Maruksa.

Ayep.

Tukong.

Marunong.

Antis na giyera

Aki laban ak

diad Binalatongan

diad Mabalitec

no iner atalo si Palaris.

Kulaan ko?

anggapo ed simbaan

anggapo ed eskwelaan

anggapo ed abong

Agdaak kabat iray ugogaw.

Agdaak nantandaan.

Agdaak nanengneng

Agdaak narengel

Alingwanan lay taway

na salitak

Manaayam ak

ed probinsiya

kaibak iray totoo

Magangana ak kwanda.

Maong.

Malinew.

Anlamek.

Maliwawa.

Masamit.

Akin et siak?

Siak labat so sakey

ed amayamay

akapaliis

akaatol

akasiyan

atilak

ulila

para ed sakey

para ed baley

para ed Republika.

para ed Filipino.

Siopa ak?

Aliwan siak so

salita na karaklan.

###

Tagalog

Sino ako?

ang iba

ang mas maliit

Sino…

Hindi mo ako kilala.

Hindi mo ako naaalala.

Nang dumating ang mga Kastila

Tinanggihan ko ang pananampalataya nila

Tinanggihan ko ang kaugalian nila

Tinanggihan ko ang wika nila

Pinakamabangis ako sabi nila.

Mabagsik.

Malupít.

Salbahe.

Tuso.

Matalino.

Bago ang rebolusyon

Lumaban na ako

sa Binalatongan

sa Mabalitec

kung saan naduhagi si Palaris.

Nasaan ako?

wala sa simbahan

wala sa eskwelahan

wala sa bahay

Hindi ako kilala ng mga bata.

Hindi nila ako naaalala.

Hindi nila ako nakikita ngayon

Hindi nila ako napapakinggan ngayon

ang aking mga salita

Limot na lasa

Naninirahan ako

sa probinsiya

kasama ng mga tao

“Magangana” sinabi nila. (Napakaganda)

“Maong. (Magaling)

Malinew.” (Malinaw)

Anlamek. (Malambot)

Maliwawa.” (Maliwanag)

Masamit.” (Masarap)

Bakit ako?

Ako ay isa lang

sa marami

itinabi

itinapon

inihiwalay

inayawan

inulila

para sa pagkakaisa

para sa bansa

para sa Republika

para sa Filipino.

Sino ako?

Hindi ako

ang pambansang wika.

 

*ang mga salita ito ay mga salitang Pangasinan

###

English Translation:

Who am I?

the other

the smaller

Who…

You don’t know me.

You don’t remember me.

When the Spanish came

I rejected their religion

I rejected their tradition

I rejected their language

The fiercest, they said I was.

Cruel

War-bent

Savage.

Cunning.

Smart.

Before the revolution

I was already fighting

In Binalatongan

In Mabalitec

where Palaris was defeated

Where am I?

not in the church

not in the school

not in the house

The children don’t know me.

They don’t remember me.

They don’t see me

They don’t hear me

My words

are a long forgotten taste

I lived

in the province

with the people

Beautiful* they said.

Good.*

Clear.*

Sweet.*

Soft.*

Bright.*

Why me?

I am just one

Of many

put aside

put away

separate

left behind

orphaned.

for unification

for nation

for the Commonwealth

for Filipino.

Who am I?

I am not

the national language.

 

Ang Bagong Presidente: Si Duterte

ni: Roxanne Gregorio

Bago na naman ang presidente

Siya si Rodrigo Duterte

Mabait daw at walang kaarte-arte

Sa kanyang pamumuno ay walang maaapi (e)

Handa ka na bang magbago?

para hindi ka mabilanggo

dahil sa panahong ito

Kulong na ang abot mo

Lahat ng tao ay takot sa kanya

“The Punisher” nga daw kung tawagin nila

Mga droga at alkohol ay itago niyo na

Dahil lagot kayo pag nahuli ka niya

Magdasal ka na lang kay Bathala

Humingi ka na lang ng himala

Sa kanya ay wala ka nang kawala

Dahil hahabulin ka niya kahit saan pang lungga

Pakiusap

pleading-hands

ni: Roxanne Gregorio

Mahal Kita

Kaya’t sana’y pakinggan

Damdaming hindi na kayang pigilan

Nais isigaw sa buong sambayanan

Huwag mo naman sanang tanggihan.

 Damdaming hindi maalis sa puso’t isipan

umaga’t gabi’y ikaw lang ang gustong hagkan

‘Di ko masabi ang nararamdamang ito

Natotorpe na naman yata ako.

Gusto sanang limutin dahil wala namang tiyansa

Sa iyong pusong may mahal ng iba

Tulungan mo sanang ikaw ay limutin

Para ikaw ay hindi na habulin

 Tanging pakiusap ko sayo, Sinta…

Tanim na Bala

bullet

ni: Roxanne Gregorio

Mababaliw na yata ako

Sa nararamdaman kong ito

Gusto na sana kitang kalimutan

Ngunit ayaw ni Bathalang bigyang daan.

Bakit ba kasi ikaw pa ang minahal?

Alam ko namang ito’y ipinagbabawal

Parang sakit na hindi mabigyang lunas

Pagong na hindi maabot ang itaas.

Huwag mo naman sanang paasahin

Dahil ako’y hirap na hirap ka nang limutin

Pinaparusahan nga ba ako ni Bathala?

Puso ko’y parang tinataniman ng bala.

Bansang Minamahal

ni: Roxanne Gregorio

 

Bansang aking minamahal

Huwag mo naman sanang sukuan

Tulungang umahon sa kahirapan

Ako sana’y pagbigyan

 

Lumingon ka sa iyong kanan

Tama nga ba ang tinatahak na daan

Tulungan mo ang nangangailangan

Para matigil na ang mga patayan

 

Bayan kong puno ng pagmamahalan

Huwag sanang manaig ang kataksilan

Ayusin natin ang buhay ng kabataan

Para hindi tayo maapak-apakan

At matigil na ang alitan

Sa buong kalawakan