ni Nigel Soriano
![Screen Shot 2016-06-08 at 2.15.48 PM.png](https://uclaliwanagatdilim2016.wordpress.com/wp-content/uploads/2016/06/screen-shot-2016-06-08-at-2-15-48-pm.png?w=960)
Abstrak: Ang Georgian polyphonic na pagkanta ay isang tradisyon na tatlo na libong taong gulang. Sa sanaysay na ito, tatalakayin ang kasaysayan at kasalukuyan ng uri ng sining na ito. Ipapaliwanag kung paano halos nawala ang Georgian polyphonic pagkanta dahil sa mga digmaan at pananakop sa Georgia, at kung paano nabubuhay pa ngayon dahil sa mga pagsisikap ng mga monasteryo at dahil sa mga tao na kumakanta ng mga awit hanggang sa ngayon araw na ito. Sa wakas, tatalakayin ang ginagampahan ng Georgian polyphany sa kasaluykuyang Georgian lipunan at kung paano ang diin na ibinibigay sa polyphany ng mga iskolar ay hindi pinapayagan na makita ang kasalukuyang Georgian na musika.
1. Pagpapakilala
Kahit ang bayan ng Georgia ay may mahabang kasaysayan ng digmaan at maraming mga ibang pananakop, nananatili pa rin ang kanilang mga tradisyon. Sa sulatin na ito, titingnan ko ang tradisyonal na pagkanta galing sa Georgia, isang maliit na bansa na nasa gitna ng Rusiya at Turkey. Ang tradisyon ng Georgian na pagkanta ay nabubuhay pa ngayon dahil sa mga pagsisikap ng mga tao na gustong pangalagaan ang kalinangan nila. Pagtutuunan ko ang kasaysayan ng pagkantang Georgian, ang istruktura at pagtatanghal ng mga kanta, at kung paano tinatasa ang tradisyonal na pagkanta sa kasalukuyang lipunang Georgian. Ipapakita ko rin na, kahit napakaganda na nabubuhay pa ang tradisyonal na Georgian na kalinangang musikal sa marami-maraming taon ng pananakop, parang tumutuloy ang mga makasaysayang huwaran ng hindi-pagpansin ng kalinangang Georgian. Tatalakayin ko paanong ang mga pagsisikap ng pangalagaan ang tradisyonal na pagkanta ay lumulihis sa Georgian na pangmusikang kalinangan sa kasalukuyan.
2. Kasaysayan ng Georgian na Pag-awit
Dahil sa mga sinaunang sinulat na pinagmulan at mga ukit sa mga artepaktong metal, pwede nating taluntunin ang kasaysayan at pag-unlad ng kalinangang musikal sa Georgia na nagsisimula noong Ikawalong Siglo. Ang pinakalumang halimbawa ng Georgian musikal na pangkalinangan ay mula noong ang mga Ika-labinliman hanggang Ika-labintatlong Siglo B.C. Noong 1930, natagpuan ang isang bansi na gawa sa buto sa isang libingan sa lungsod ng Mtskheta. Ang pagkatuklas nito ay nagpapatunay na tatlong libong taong gulang na ang Georgian na musikal na kalinangan, pero liban doon walang maraming ipinapakita sa atin tungkol sa mga tradisyon na kaugnay ng kalinangang musikal (Jordania et al., 2016).
Ang mga artipakto na gawa sa bronze—isang pilak na mangkok mula sa Ikatlong Siglo at isang tansong sinturon mula sa Ikawalo o Ikapitong Siglo—at isang ulat ni Xenophon, isang Griyegong mananalaysay na nabuhay noong Ikaapat na Siglo, ay pinahihintulutan tayong masdan ang mga sinaunang tradisyon at ritwal ng mga tao sa Georgia. Ang pilak na mangkok ay may mga ukit na naglalarawan ang ritwal na perkhuli, isang sinaunang seremonya na iniaalay sa diyosa ng pagkamayabong. Ang perkhuli ay ninuno ng modernong sayaw na tinatawag na “round dance,” at mga kanta na kasama ang perkhuli ay “nakikita bilang isa sa mga pinakalumang klase ng musikang Georgian” (tbilisi conservatory website). Ang tansong sinturon ay naglalarawan ang pinakalumang halimbawa ng Georigan na pagsasayaw: ang sayaw ng mga mangangaso, na sinasayaw sa panahon ng bagong buwan. Sa sinaunang relihiyon ng mga taong Georgian, ang buwan ay nasa pinakamataas na lugar sa pantiyon ng mga paganong na diyos. Sa kasalukuyan, sa ilang mga parte ng Georiga, gumaganap pa ang mga tao ng mga sayaw sa liwanag ng buwan. Dahil sa ulat ni Xenophon sa kanyang makasaysayang tekstong Anabasis, nalalaman natin na ang mga sinaunang Georgian ay may mga ritwal ng digmaan. Ayon kay Xenophon, pagkatapos ng labanan, pinupugutan ng ulo ang mga patay na sundalo ng mga sundalong nagtagumpay. Pagkatapos, isang Georgian sundalo ay magsisimulang kumanta, at dadaluhan ang mga ibang sundalo at magsisimula silang lahat na sumayaw (Jordania et al., 2016)
Dumating ang Kristyansimo sa Georgia noong Ikaapat na Siglo. Ayon sa The Life of Grigol Khandzteli, isang aklat na sinulat ng isang monghe, ang ritwal ay ginagawa sa wikang Georgian simula noong ang Ikaanim na Siglo. Ang mga himno na mga aklat na sinulat ng mga monghe noong Ikasiyam na Siglo ay nagpapatunay na itinuturo ang mga himno sa mga simbahan noon (Jordania et al., 2016).
Sa pagdaraan ng mga dantaon, sinakop ang bayan ng Georgia nang maraming beses at may maraming digmaan na naganap sa lupang Georgian. Nabubuhay pa ang mga sinaunang Georgian na tradisyon ng pagkanta ngayon dahil sa mga pagsisikap ng mga namumuno ng mga monasteryo, kung sino nagpatayo ng mga institusyon para ituro at pangalagaan ang mga kanta na ito. Ang dalawang pangunahing monasteryo kung saan pinangangalagaan ang mga awit ay ang Shemokmedi Monastery sa Guria (silangang Georgia) at ang Svetitskhoveli Monastery sa Mtskheta (kanlurang Georgia) (Graham, 2009).
Noong Ika-16 na Siglo, nilusob ng mga Turko ang kanluraning rehiyon ng Georgia, at nilusob naman ng mga Persiyano ang silangang rehiyon. Nandigma sila hanggang nanalo ang mga Persiyano, matapos ang digmaan itanayo ng mga Persiyano ang pamahalaan sa karamihan ng bayan. Bunga nito, ang musikang Persian ay tinugtog sa mga palasyo sa halip ng musikang Georgian (Lang, 1962). Para iligtas ang Georgian na musikal na tradisyon, isinulat at itinuro ang mga awit ng mga monghe sa Shemokmedi Monastery, isang monasteryo sa rehiyon ng Guria. Dahil sa pagnanais ng mga monghe na maipamana ang kanilang tradisyon ng pagkanta, ilan sa mga koleksyon ng mga kanta ay nanatili sa panahon ng pananakop hanggang sa kasalukuyan (Jordania et al., 2016).
Noong Ika-18 Siglo, nagwakas ang pamahalaang Persiyano sa Georgia dahil sa mga pagsalakay ng mga Afghans. Pagkatapos, nilusob na naman ng mga Turko ang Georgia, at nakipagdigma sila laban sa mga Ruso, na gusto ring sakupin ang lupang Georgia. May mga pagsalakay din ang mga Muslim. Dahil sa lahat ng mga pangyayari nito, nawalan ang Georgia ng kalahati ng populasyon nito sa pagtuntong ng taong 1800, at nabuhay pa rin ang mga tradisyon sa panahong ito (Lang, 1962). Noong 1764, si Hari Erekele at si Catholicos Anton (ang pinuno ng Georgian Orthodox Church noon) ay nagkapulong kung saan nagpapasiyanan nilang magpatayo ng mga koro sa bawa’t isang monasteryo, para pangalagaan ang estilo ng pag-awit. Ang tradisyon ng pagkanta sa rehiyon ng Kartli-Kakheti ay nabubuhay pa ngayon dahil dito (Jordania et al., 2016).
Ang kuwento ng kaligtasan ng buhay ng Georgian na tradisyonal na pagkanta ay halos milagro. Dahil sa dedikasyon at pagtitiyaga ng mga tao na ituro at isulat ang mga kanta, nabubuhay pa ang tradisyon na dapat ay namatay na nang maraming beses.
3. Ang Istruktura at Tunog ng Georgian na Polyphony
Sa pangkalahatan, ang mga Georgian na kanta ay may tatlo o apat na parte sa tinig. Ilan sa mga estilo ng awit ay mayroong isang himig na inaawit na nakasaliw sa ugong, ang ibang mga estilo ay mayroong komplikadong himig na inaawit sa tatlong parte. Halimbawa, sa awit na “Chakrulo” (makinig dito: https://www.youtube.com/watch?v=gJPk0KtxmhQ&list=LLSiQOYlMMHy5Imk-hEz8Xvw&index=6), may ugong na tumutuloy sa buong awit habang inaawit ng mga ibang mang-aawit ang ilan sa mga ibang himig. Sa awit na “Shen Khar Venakhi,” (makinig dito: https://www.youtube.com/watch?v=RH9zNz9L_VA&index=7&list=LLSiQOYlMMHy5Imk-hEz8Xvw) may isang tatlong-parteng himig sa halip ng ugong. Ang kapwang awit na ito ay mga napakagandang halimbawa ng polyphony, ang pinakanatatanging ikinaiba na katangian ng Georgian musika. Ang ibig-sabihin ng polyphony ay ang estilo ng musika kung saan may kombinasyon ng ibang parte (tinig, instrumento, atpb.) para lumikha ng masalimuot na himig. May maraming iba’t ibang pangalan para sa mga ibang parte sa tinig, pero ang mga pinakasimpleng parte ay bani, meure, at p’ireli. Ang mga pangalan na ito ay nagkokorespondo sa mababang tinig, gitnang tinig, at mataas na tinig. Sa mga kanta na ipinakita ko, bawa’t isang parte ay ibinibigay sa grupo ng mga mang-aawit kaya napakalakas ng tunog ng koro. Pwede pa rin mayroon ng polyphony kasama ang ilang mga tinig lamang. Sa pag-awit ng “Si Vardisi”
(makinig dito: https://www.youtube.com/watch?v=oIMEiUkcpm0&list=LLSiQOYlMMHy5Imk-hEz8Xvw&index=3), may apat na mang-aawit lang na inaawit ang tatlong-parteng himig. Hindi kasinlakas ang tunog ng mga tinig nila ng tunog ng mga ibang koro, pero napakaganda pa rin ang polyphony na nalilikha nito.
Sa mga awit ng silangang Georgia, mas mahalaga ang mga salita ng awit kaysa sa musika, kaya madalas ang polyphony ng silangang Georgia ay may isa o dalawang tinig na umaawit ng mga himig na may maraming salita, habang umaawit ang mga mababang tinig ng ugong. Ang awit na binanggit ko na sa nakaraang talata na, “Chakrulo,” ay may istrukturang ganito. May ugong sa mga mababang tinig habang may dalawang grupo ng mataas na tinig na nagpapalit ng mga himig sa isa’t isa. Kapag may tatlong-parteng polyphony sa mga awit ng silangang Georgia, tumutuloy pa rin ang ugong. Sa simula ng awit na “Shen Bich’o Anagurelo,” (makinig dito:https://www.youtube.com/watch?v=1fAQKD-ZOlA), may dalawang mataas na tinig na nagpapalit ng mga himig habang may ugong sa mga mababang tinig, pero sa huli ang awit ay magiging tatlong-parteng polyphony na may ugong sa mga mababang tinig (Kuzmich 2014).
May tradisyon din doon ng pagkanta na may isang tinig lang. Ang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng mga Musilm at mga Armenian sa silangang Georgia. Ang musika ng mga kalinangang ito ay monophonic—may isang tinig lang na umaawit ng himig. Pwedeng marinig ang impluwensiya ng mga ibang kalinangan sa Georgian na musika sa awit na “Nana,” (makinig dito: https://www.youtube.com/watch?v=WjeV3zEstRc), kung saan may isang babaeng tinig lang ang umaawit (Kuzmich 2014).
Sa mga awit ng kanlurang Georgia, mas mahalaga ang musika kaysa sa mga salita ng mga awit, kaya mas masalimuot ang mga polyphonic na istruktura ng mga awit na ito. Pwedeng hatiin ang musika sa kanlurang Georgia sa dalawang kategoriya: ang musika ng mga bundok at ang musika ng mga kapatagan. Ang musika ng mga bundok ay may paggalaw ng mga makapal na himig sa bawa’t isang parte sa tinig. Pwedeng marinig nang malinaw ang paggalaw ng mga himig sa awit na “Didebata,” (makinig dito: https://www.youtube.com/watch?v=C-NfB10eVi4). Masdan kung paano walang ugong sa mababang tinig; bawa’t isang tinig ay tumataas at bumababa sa masalimuot na paggalaw ng mga chords. Sa musika ng mga kapatagan, bawa’t isang parte sa tinig ay pwedeng umawit ng ibang himig. Sa awit na “Vakhtanguri,” (makinig dito: https://www.youtube.com/watch?v=VXVpTdlQ-fI), pakinggaw kung paano bawa’t isang tinig ay umaawit ng ibang himig (Kuzmich 2014).
4. Georgian na Polyphony sa Kasalukuyan
Noong 2001, ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay idineklarang “intangible cultural heritage” ang labinsiyam na iba’t ibang uri ng sining, kasama ang Georgian polyphonic na pagkanta. Nangangahuluhan ito ng “pag-endorsong implisito at legal” sa ang mga uri ng sining na ito upang pangalagaan. Kahit napakaganda na pinapangalagaan ang Georgian polyphonic na pagkanta, itinuturo ni Nino Tsitsishvili, isang ethnomusicolohista na taga-Georgia, na ang proklamasyon ng UNESCO ay hindi nababatid ang tunay na Georgian na musikal na kalinangan sa kasalukuyan (Tsitsishvili 2009).
Tungkol dito, may dalawang pangunahing punto si Tsitsishvili, at ang una ay ang deklarasyon ng UNESCO ay nagbibigay ng paboritismo sa musika ng isang grupong etniko lang (ang mga katutubong Georgian), habang may maraming iba’t ibang grupong etniko sa Georgia na may musika na hindi binigyan ng rekognisyon. Ang polyphony ay isa lamang sa maraming estilo ng musika sa Georgia. Ilan sa mga ibang estilo ng musika ay monophonic na pagkanta at pagtugtog ng duduk, isang instrumento mula sa Armenia. Katulad ng binanggit ko na, ang pagkakaroon ng mga iba’t ibang kalinangan sa Georgia ay dahil naging multi-ethniko ang bayan, kaya may iba’t ibang paraan ng kalinangang ekspresyon sa bansa. Sabi ni Tsitsishvili na, dahil ang deklarasyon ng UNESCO ay nagbibigay ng rekognisyon sa polyphony lamang, ang tunay na Georgian na musikal na kalinangan ay hindi nagrerepresenta nang tama. Inilalarawan ng deklarasyon ang bayan ng Georgia na parang mono-ethniko lang, at hindi ito katotohanan (Tsitsishvili 2009).
Ang ikalawang punto ni Tsitsishvili ukol sa deklarasyon ng UNESCO ay hindi nagbibigay ng kahalagahan sa mga modernong estilo ng Georgian na musika, kahit na ang mga estilo ng musikang ito ay pinapagsama ang tradisyonal na musika kasama ng rock, rap, pop, at jazz na musika. Napaka-popular ng folk music sa mataas na uri ng lipunan ng Georgia, pero hindi naman sa mga mababang uri. Kahit ang folk music ay musika ng mga hindi mataas na uri ng lipunan noong marami-maraming taon, ngayon ang mga tao sa mga uring ito ay gumagawa ng rock, rap, at jazz musika na may impluwensiya ng folk music. Itinuturo ni Tsitsishvili na hindi nakikita ang mga klase ng musikang ito bilang “intangible cultural heritage” ng mga matataas na tao sa lipunan. Kahit napakaganda na pinapangalagaan ang polyphony ng Georgia, nagdurusa pa rin ang kalinangan ng Georgia dahil hindi pinapansin ng deklarasyon ng UNESCO ang kasalukuyang musika ng Georgia (Tsitsishvili 2009).
5. Konklusyon
Sa kasalukuyan, napaka-popular ng Georgian polyphonic na pagkanta sa buong daigdig. May mga koro na kumakanta ng mga awit na ito sa maraming iba’t ibang bayan, katulad ng E.U., Pransya, Hapon, Kanada, Ingglaterra, at Awstralya. Ang Georgian na polyphony ay nanatili sa loob ng maraming mga siglo ng digmaan at pananakop dahil sa mga pagsisikap ng mga monasteryo, at ngayon ang polyphony ay pinapangalagaan bilang “intangible cultural heritage” dahil sa deklarasyon ng UNESCO. Tulad ng nasabi na sa unahan, hindi nagrerepresenta ang deklarasyon ng tunay na Georgian musikal na kalinangan dahil hindi nagbibigay ng pansin sa kasalukuyang musika. Gayon pa man, buhay ito at maaari pa kunggan ang magandang himig ng nating ang polyphony ng Georgia. Milagro na nabubuhay pa ito sa kasalukuyan at sana’y hanggang sa susunod na mga siglo.