Samahang Pilipino Education and Retention (SPEAR)

spear binder

ni Carmela Escarez

Una sa mga tinanggal na grupo noong 1986 sa affirmative action ay ang mga Pilipino, bago naisakatuparan ang panukala 209 ng California noong 1996 para alisin ang affirmative action (Buenavista, 2007). Dahil dito, bumaba ang pagpalista ng mga Pilipino sa UCLA. Noong 1987, ang rate ng graduwasyon ng mga estudyanteng Pilipino ay 15.3% (UCLA, 2012). Para masagot ang mababang rates ng graduwasyon at mga ibang kailangan ng mga estudyanteng Pilipino sa kolehiyo, nag organisa ang mga Pilipino sa UCLA na gumawa ng grupong pwedeng tulungan ang mga estudyanteng Pilipino manatili sa eskuwelahan. Noong November 1989, nagsimula ang Pilipino American Project in Education and Retention (PAPER), na tinatawag ngayon na Samahang Pilipino Education and Retention (SPEAR), para lutasin ang pangangailangan ng mga estudyante at para magbigay ng serbisyo na hindi ibinibigay ng unibersidad sa mga estudyanteng Pilipino. Dahil laging nagbabago ang mga kailangan ng estuduyante, sinusukat ito ng SPEAR sa pamamagitan ng kanyang mga programa at mga serbisyo na mentorship, peer counseling, at internship. Ang pakay at bisyon ng SPEAR ay makamit ang 100% graduwasyon rate ng mga estudyanteng Pilipino sa UCLA. Ilalarawan nitong papel ang layunin ng SPEAR at ang mga iba’t-ibang aspeto na nag-iimpluwensiya sa trabaho ng SPEAR para sa mga estudyante nito.

Unang-una sa lahat, ang layunin ng SPEAR ay tulungan ang mga Pilipino manatili sa kolehiyo dahil maraming isyung pwedeng maka-apekto sa kanilang pag-aaral. Ang mga isyung ito ay resulta ng kalusugang pangkaisipan, kalusugang pisikal, at kalusugang emosyonal, na may kasaysayan sa mga kondisyon na umiiral sa komunidad ng mga Pilipino. Ang sukat ng depresyon ng mga Pilipino ay 27.3% kompara sa nasyonal rate na 10-20% (David, 2008). 45.6% sa mga kabataan na Pilipina-American ay nagpapakamatay (David, 2008). Isa sa mga dahilan kung bakit ang tataas ng mga numerong ito ay dahil ayaw magdala ng hiya ng Pilipino sa mga pamilya o mga kaibigan nila. Ayaw ng Pilipino magtanong kung kailangan nila ng tulong, at mas ayaw nilang sabihin sa pamilaya o kaibigan nila na hindi maganda ang kanilang kalusugan, lalo na kung ito ay emosyonal o pangkaisipan. Kahit na mayroong mga programa at serbisyo na pwedeng tulungan ang mga estudyante sa UCLA, katulad ng CAPS (UCLA’s Counseling and Psychological Services), hindi ito masyadong ginagamit ng mga estudyanteng Pilipino dahil siguro sa isip na mahihiya lang sila. Sa total na mga 1300 na estudyante sa UCLA, 154 lang na estudyante ang gumamit ng CAPS para matulungan sila sa kanilang depresyon, stress sa pag-aaral, balisa, kalungkutan at mga iba pang problema nila nitong nakalapas na taon (Gong-Guy and Green, 2010). Ang layunin ng SPEAR sa UCLA pasimula pa noong nahanap ito ay bigyan ng lugar na pwedeng pag-usapan ng mga estudyanteng Pilipino ang mga kanilang problema, at bigyan sila ng pagpatnubay para maintidihan ang kanilang identidad. Ang programa ng SPEAR na peer counseling at mentorship ay pwedeng magbigay ng lugar para maintidihan ng mga estudyanteng Pilipino ang importansiya ng kalusugang emosyonal at pangisipan.

Isa rin sa pinaka-malaking problema na pwedeng maka-apekto sa gawaiin ng mga Pilipino sa eskuwelahan ay ang kanilang pisikal na kalusugan. Base sa saliksik ng National Hearth, Lung and Blood Institute (NHLBI), ang responsible sa kamatayan ng maraming Pilipino ay sakit sa puso, altapresyon, at dyabetis (“National Heart”, 2011). Sabi nila, maraming aspetong kultural ang dahilan kung bakit malaking problema ito sa mga Pilipino. Nahanap nila na maraming asin sa pagkain ng mga Pilipino, at maraming pagkain rin na may sobrang daming asukal at almirol. Dahil ang layunin ng SPEAR ay tulungan ang mga estudyanteng Pilipino sa UCLA, binibigyan nila ng lugar para matutunan ng mga estudyante nila kung paano pwedeng maiwasan ang mga kasakitan na popular sa kultura ng mga Pinoy. Sa mga peer counseling sessions at sa internship ng SPEAR sa Community Programs Office, natatalayak nito ang mga paksa tungkol sa kalusugan na hindi masyadong na tatalayak sa ibang lugar sa UCLA.

Ang SPEAR ay pwedeng mahiwalay sa tatlong parte—peer counseling, mentorship, at internship. Base sa mga nakaraan na talata, maraming kondisyon ang nag-iimpluwensiya sa trabaho ng SPEAR. Para linawin, ang SPEAR ay isang proyecto na parte ng Community Programs Office (CPO) sa UCLA. Parte ito ng “retention center” sa CPO na binabahay rin ang mga proyectong may layunin para tulungan ang mga estudyanteng may kulay o galing sa komunidad na maraming hadlang sa kanilang edukasyon. Ang SPEAR ay parte ng Samahang Pilipino, ang prinsipal na organisasyon ng mga Pilipino sa UCLA. Isa sa mga parte ng SPEAR ay ang peer counseling. Ang SPEAR ay may sampong estudyanteng tagapayo at may isang propesyonal na direktor na tumutulong asikasuhin ang trabaho ng proyekto. Ang trabaho ng mga tagapayo (“peer-counselors”) ay mag outreach at kausapin ang mga estudyanteng Pilipino sa UCLA para tulungan sila mag-adjust sa kolehiyo, at patnubayan ang kanilang pagiging estudyante at pagiging isang Pilipino sa malaking kolehiyo. Ang programang mentorship ay pinapare ang mga miyembro ng SPEAR sa kanilang “mentor/mentee” para mayroon silang isa pang suporta sa kolehiyo. Ang programang internship ay isang klase parte ng CPO tungkol sa “leadership development” at sa mga iba’t-ibang komunidad sa UCLA. Itong klase ay tinuturo rin ang kasaysayan at kondisyon ng mga Pilipino sa Amerika at sa kolehiyo. Ang mga programa ng SPEAR at may dahilan dahil ang punto nito ay para tulungan ang mga estudyanteng Pilipino maka-graduwate sa oras.

Ipinaliwanag nitong papel kung bakit umiiral pa rin ngayon ang SPEAR sa UCLA. Nitong nakalapas na taon, 65.3% na Pilipino ay grumaduwayt sa UCLA. Dahil dito, kitang-kita na man na tumutolong ang SPEAR gumawa ng komunidad para sa mga Pilipino sa UCLA at sana sa isang araw, pwede rin makamit ang 100% retention rate ng mga estudyanteng Pilipino sa UCLA.

 

References

  1. Buenavista, T. (2007). Movement from the Middle: Pilipina/o 1.5-Generation College

Student Access, Retention, and Resistance. Unpublished doctoral dissertation. University of California, Los Angeles.

  1. UCLA Pilipino Persistence and Graduation Rates 1985-2012. (2012). UCLA Office of

Analysis and Information Management.

  1. David, E. (2008). A Colonial Mentality Model of Depression for Filipino Americans.

Cultural Diversity and Ethnic Minority Psychology, 14.2.

  1. Gong-Guy, E. & Green, N. (2010). CAPS Administrative Institute on Wellness and Campus

Climate.

  1. National Heart, Lung, and Blood Institute. (2010). Cardiovascular Risk in the Filipino

Community: Formative Research from Daly City and San Francisco, California.

 

Leave a comment