Paano Maglaro ng Byolin

1098419_829236617090600_935307350_n (1)

ni Carmela Escarez

Una kong nakilala ang instrumentong byolin noong sampung taong gulang ako. Kinailangan kong matuto maglaro ng instrumento para sa klase ng musika sa elementarya. Hindi pa ako marunong maglaro ng kahit anong instrumenta noon kaya ang byolin ang pinaka-unang instrumentong natutunan kong laruin. Marami akong pinagdaanan na leksiyon, klase, libro, at mga iba’t-ibang orkestra sa daan ng sampung taon kong paglalaro ng byolin. Sa aking karanasan, hindi madali matutong maglaro nitong instrumentong ito. Maraming aspeto ang kailangan mong isipin at gawin pag naglalaro ka ng byolin Minsan sasakit ang iyong mga kamay at minsan maiinis ka sa iyong guro pag sinisigawan ka nilang ayusin ang iyong pustura. Pero kahit na pwedeng mangyari ito, ang sarap maglaro ng byolin. Ang ganda ng tunog nito at sobra siyang eleganteng instrumento. Kahit na mahaba ang daan para matutong maglaro ng byolin, pwedo mong makamit maglaro nito sa tiyaga at disiplina. Magbibigay direksyon ang papel na ito para tulungan kang matuto maglaro ng byolin.

Unang-una sa lahat, kailang mong mag prepara ng gamit para makapaglaro ng byolin. Kailangan mong bumili o humiram ng tamang byolin na tama ang sukat para sa yo. May iba’t-ibang sukat ang byolin—4/4 o “full size”, 7/8, ¾, ½,1/4, 1/8, 1/10, at 1/16. Ang “full size” ay karaniwan para sa matanda, o mga mas matatandang tinedyer. Ang sukat ay depende sa sukat ng katawan mo, kaya kung maliit ka, karaniwan ang byolin mo ay sukat ¾. Ang payo ko sa pagpili ng byolin ay bilhin o rentahin ito sa isang kagalang-galang na tindahan na musika. Dapat bilhin mo ito sa isang matitiwalang tindahan o kakilalang tao dahil gusto mong maganda ang kalidad ng instrumento mo. Karaniwan, pag bumili ka ng bagong byolin, may kasama itong kaso na may bow para sa byolin at rosin na ginagamit para sa bow. Kasama na rin sa byolin mo ang apat na byolin strings na ang nota ay (G, D, A, at E). Marami pang aksesorya ang pwede mong gamitin sa paglalaro ng byolin. Kasama na sa iyong instrumento, pwede ka ring bumili ng “shoulder rest” para mas komportable ka habang naglalaro ng byolin dahil hinawakan mo ito gamit ang iyong baba at balikat. Minsan, kung gusto mong kontrolin ang tunog ng iyong byolin, pwede ka ring bumili ng “mute,” isang aksesorya na nilalagay sa taas ng strings ng byolin para mapahina ang lakas ng tunog ng mga strings. Pag na prepara mo na lahat ang kailangan mo para makapaglaro ng byolin, handa ka ng maglaro nito.

Pagkatapos mong handain ang mga gamit na kailangan mo para maglaro ng byolin, sundin mo ang mga susunod na patakaran para matuto kang laroin ito. Unang-una sa lahat, i-tsek mo ang bow mo at higpitan ito ng kaunti gamit ang end screw sa bow. Kunin ang iyong rosin at kuskusin mo ang bow sa rosin ng apat na beses sa direksyon ng haba ng bow. Pagkatapos mong gawin ito, ilagay mo muna sa gilid ang bow mo at kunin ang iyong shoulder rest at ilagay ito sa likod ng byolin mo, malapit sa chin rest. Pagkatapos mong gawin ito, i-tsek mo kung nasa tono ang mga strings mo. Karaniwan, gumagamit ako ng tuner para makingan ko ang tamang tono ng string. Pagkatapos kong pakinggan ang tamang tono, ina-adjust ko ang tono ng mga strings gamit ang tuning pegs na pwede mong mahanap sa scroll ng byolin na nasa dulo ng mga strings. Paikotin mo ang peg ng kanan kung gusto mong higpitan ito at pataasin ang tono ng string. Pag nahanap mo na ang tamang tono ng string at gusto mong ayusin ito ng kaunti, pwede mo ring gamitin ang fine tuner na malapit sa bridge ng byolin mo. Kung unang beses mo lang maglaro ng byolin, ipapayo ko na tanungin mo ang isang propesyonal para i-tune ang byolin mo dahil mahirap ito kung hindi mo masyadong alam pang maglaro ng byolin. Pagkatapos mong i-tune ang byolin mo at na rosin mo na rin ang bow mo, pwede ka ng magsimulang maglaro ng byolin. Ang byolin ay isang instrumento na may dalawang parte- ang byolin at ang byolin bow. Katulad ng nasulat ko kanina, inilalagay ang byolin sa gitna ng baba at balikat mo. Ang shoulder rest ay tutulong sa paghawak ng byolin sa iyong balikat para mas komportable ka. Pagkatapos mong ilagay ito dito, kunin mo ang bow mo at higpitan ang paghahawak nito. Balansehin ang bow mo at ilagay ang hintuturo mo sa parte na may pad. Ilagay mo ang nakakatusok mo sa patag ng bow malapit sa tightening knob. I-relax mo lang ang palasingsingan at hinlalato mo sa gitna ng parte na may pad at ilagay ang iyong hinlalaki sa baba ng bow hair, sa lugar na tawag ay “frog.” Mahirap bigyan ng direksiyon sa papel dahil maraming tuntuhin ang kailangan malaman sa mga iba’t-ibang parte ng byolin, pero sana nakatulong ito ng kaunti. Pagkatapos mong hawakan ang bow, at dapat hinihigip mo itong mabuti, pwede mong ilagay ang buhok ng bow sa strings, sa lugar sa gitna ng bridge at ng fingering board. Makikinig mo ang tunog ng byolin pag nilagay mo ang buhok ng bow mo dito. Dapat balanse ang presyon ng bow sa strings, kaya i-relax mo alng ang hawak mo sa bow. Pwede kang makapaglaro ng iba’t-ibang nota pag ilagay mo ang kaliwa mong kamay sa finger board. Ang paghawak ng tama sa finger board ay una, dapat ilagay mo ang hinlalaki mo sa kaliwang gilid ng “neck” ng byolin, Pag nilagay mo ang hinlalaki mo rito, pwede mong i-arko ang natitirang apat mong kamay sa finger board at pwedeng ilagay sa iba’t-ibang parte ng strings para makapaglaro ng iba’t-ibang nota. Apat ang main strings ng byolin- ang mga notang ito ay G,D,A at E. Maraming praktis ang kailangan para maging isang magaling na maglalaro ng byolin. Maraming parte ang kailangan mong malaman sa paglalaro ng instrumentong ito—ang mga iba’t ibang nota, paano bumasa ng nota, ano ang tunog ng nota, mga iba’t-ibang scales na mapapraktis at mga iba’t-ibang kanta pa. At kasama rito ay ang kaalaman ng tamang porma ng paglalaro ng byolin.

Mahirap maglaro ng byolin pero sana nagbigay ito ng kabatiran sa proceso ng paglalaro ng isang byolin. Sana ngayon, may alam ka na sa pagpili ng isang byolin at ang mga iba’t-ibang parte nito. Kailangan mo na lang mag-praktis ng basa at laro.

Leave a comment